LESSON 1 : URI NG PANGUNGUSAP

URI NG PANGUNGUSAP

Ang PANGUNGUSAP ay lipon ng mga salita na buo ang diwa.Binubuo ito ng panlahat na sangkap, ang simuno at panag-uri.
 Ang pangungusap ay mayroong uri tulad ng PASALAYSAY, PATANONG, PAKIUSAP, PAUTOS at PADAMDAM.



PASALAYSAY 
                        - Ang pasalaysay ay uri ng pangungusap na nagkukwento o nagsasalaysay. Ito ay nagtatapos sa tuldok (.).

HALIMBAWA



PATANONG 
                     - Ito ay ang pangungusap na nagsisiyasat o naghahanap ng sagot at nagtatapos sa tandang pananong (?).

HALIMBAWA



PAKIUSAP
                   - Ito ay ginagamitan ng magagalang na salita upang makiusap. Maaring nagtatapos sa tuldok o tandang pananong (./?).

HALIMBAWA




PAUTOS
               - Ito'y uri ng pangungusap na nagpapahayag ng obligasyong dapat gawin. Nagtatapos din iyo sa tuldok (.).

HALIMBAWA



PADAMDAM
                        - Ang padamdam ay uri ng pangungusap na nagsasaad ng matinding damdamin tulad ng Tuwa, Takot o Pagkagulat. Nagtatapos ito sa tandang panamdam (!). Maaari ring gamitin ang tandang pananong (?).
Karaniwan ding nagbibigay ng babala o kaya'y nagpapahiwatig ng pagkainis.

HALIMBAWA




PAGSUBOK  


PANUTO:
Tukuyin ang uri ng pangungusap ayon sa gamit: PASALAYSAY, PAUTOS, PAKIUSAP, PADAMDAM at PATANONG. Isulat ang tamang sagot sa patlang.

1. Si Lisa ay matalinong bata.  
________________________
2. Hay! Kayo na nga ang mag-usap!
________________________
3. Maraming tao ang nagsisimba sa araw ng patay.
________________________
4. May palaro ba sa plasa?
________________________
5. Paki abot namn ng aking Payong.
________________________
6. Maari po ba akong umalis ng bahay bukas ng umaga?
________________________
7. Naku! Dumulas ang bata sa palosebo.
________________________
8. Maari pa ba kitang mahalin?
________________________
9. Si Maria Luciana ba ang Ate mo?
________________________
10. Saan ka nag-aaral?
________________________

KASAGUTAN:

1.PASALAYSAY
2.PADAMDAM
3.PASALAYSAY
4.PATANONG
5.PAKIUSAP
6.PAKIUSAP
7.PADAMDAM
8.PAKIUSAP
9.PATANONG
10.PATANONG

TAKDANG ARALIN

Gumawa ng sampung pangungusap (10) na ginagamitan ng iba't-ibang uri ng pangungusap.


SANGGUNIAN: INTERNET 
https://www.google.com.ph/search?q=google&rlz=1C1ASUC_enPH750PH750&oq=google&aqs=chrome..69i57j69i60l3.3487j0j7&sourceid=chrome&ie=UTF-8#q=URI+NG+PANGUNGUSap








Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

3D ART WORK